Status: In a Relationship

Image

Changed relationship status from Single to In a Relationship with …

 Yan ang sumalubong sa akin ng muli kung buksan ang Facebook account ko sa computer. The status isn’t mine but my “first love’s”.

 In a Relationship. Napakagandang basahin. Nakakakilig damhin. Napakabigat sa akin.

 Hindi lang siguro ako sanay, o masasanay, na kahit kailan ‘di ako nagustuhan ng first love ko. Hindi lang din siguro matanggap ng utak ko at ng puso ko na kahit kailan ‘di man lang tumimo sa isip ng unang minahal ko ang damdaming pinangarap kong ialay niya sa akin.

 Masakit kasi hanggang ngayon sariwa pa rin sa utak ko ang pangarap ko noon. Na sana ako na lang ang pinili niya. Na sana ako na lang minahal niya. Na sana ako.

 Naging theme song ko dati ang pang-ambisyosang awit ni Bituin Escalante habang pinapangarap kong maging girlfriend niya. Pati na rin ang makabagbag-damdaming Art of Letting Go ni Mikylla habang pinipilit ko ang sarili kong makalimutan siya. Para nga akong timang noong mga panahong iyon kasi kailangan kong i-let go ang isang bagay na kahit kailan naman ay ‘di naging akin.

 Mahirap talaga ang masadlak ka sa isang one-sided relationship wherein ikaw at ikaw lang ang nagmamahal. Kahit anong pangangarap mong ma-reciprocate niya ang damdamin mo, wala pa ding mangyayari kasi nga, in the first place, ‘di naman siya kailanman naging interesado sa iyo.

 Pero ang mas masakit at mas mahirap tanggapin ay kapag naipahayag mo na ang damdamin mong wagas sa kanya subait sa huli ang maririnig mo lang ay hindi talaga siya kailanman nagkaroon ng pagtinging laan para sa isang minamahal para sa iyo. Sabihin mo man sa kanya at sa sariling mong “ang sabi ko mahal kita, ‘di ko naman sinabing mahalin mo din ako”, tagos pa rin sa puso, buto, at kalamnan ang sakit kasi alam mong niloloko mo lang ang sarili mo. Mararamdaman mo pa rin na gusto mong magbigti dahil sa nararamdaman mong hapdi (of course figuratively speaking lang).

 Kaya malamang itatanong mo sa sarili mo, bakit nga ba ‘di niya ako kailanman nagustuhan bilang ka-ibigan? At ang conclusion na dadapo sa utak mo ay malamang na hindi ka kagandahan, sadyang malupit si Kupido sa iyo, o ‘di kaya’y maepal lang talaga si kapalaran. Tapos magse-self pity ka. Magtatago ka sa proverbial shell, itatayo ang cliché walls sa paligid mo, at i-de-declare mong love-phobic ka na for the rest of your life. Magpipilit kang lumimot. Sa tuwing makakasalubong ka nang potential na mamahalin iisipin mong wala itong patutunguhan kasi mauulit na naman ang pangyayaring ikaw at ikaw lang ang magmamahal. Lahat ng ito dahil lang sa isang naunsiyaming unang pag-ibig.

 Sa tagal ng panahon na dinala mo ang pag-ibig sa kanya natatak na sa utak mo na siya na ang iyong greatest love; wala nang papantay, wala nang hihigit, walang sinuman ang makapapalit.

 Yeah sure, may isang papasok na magugustuhan mo kunwa. Ngunit sa huli babalik at babalik pa rin sa kanya. Kung anuman ang maramdaman mo sa bagong “pag-ibig” na darating tatatak pa din sa isip mo kung kaya mo pa rin bang magmahal nang katulad ng pagmamahal mo sa unang minahal mo ng sobra.

 Doon magsisimula ang pagdadalawang-isip sa bagong dumating at sa sarili mong gustong umibig. At mawawalan na naman ng saysay ang lahat. Lahat ng ito dahil lang sa isang naunsiyaming unang pag-ibig.

 Ngayon, ang aking naunsiyaming unang pag-ibig, Status: In Relationship.

 Napaisip ako, nag-o-over lang pala ako sa pag-asang darating ang panahon na mapapamahal ako sa kanya. While I was busy carrying a torch for him, hayun siya at malayang nagmahal. Nagmahal siya, nabigo. Nagmahal ulit, nabigo, at muling nagmahal. Ngayon, steady na sila nang girlfriend niya samantalang ako nanatiling pinangarap siya. Katangahan ng sobrang-sobra up to the point na bibirit ka ng “kasalanan ko ba kung iniibig kita ‘di ko naman sinasadya…” sa videoke.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s